Astig!!!

Print
Created on Thursday, 17 March 2005

Astig!! Yan ang madalas kong madinig sa mga anak kong teenagers (3 silang lahat, puro lalaki, ang bunso kong babae na only girl ay 10 years old pa lang). Sa totoo lang, recycled na ang term na to. Binata pa ko ay ginagamit na din namin to. Galing sa salitang “Tigas” (Tig-as –> as-Tig, baka sakali lang na me hindi naka-gets) ito ay itinuturing sa isang bagay, tao, o pangyayari na nakakabilib, sobrang galing, o basta lang kahanga-hanga.

Galing ako ngayong gabi sa Battle of the Bands ng Lourdes School of Mandaluyong kung saan kasali ang banda ng anak kong si Teng. At totoo namang astig silang lahat na mga kasali don. Pero siyempre, bilang tatay, pinaka-astig ang banda ng anak ko, ang Cobalt Ride. Base guitar ang hawak na instrumento ng anak ko, pero alam ko marunong din siyang mag lead guitar.

Sayang nga, hindi na namin naantay ang resultang ng patimpalak. Sumakit kasi ang tiyan ni Teng at nagyaya ng umuwi. Sabi ko sandali lang, kukunan ko muna ang huling guest band para kumpleto pictures ko. Dinala ko kasi ang digital camera ko para kunan ko ang mga kalahok pero siyempre pinakamaraming kuha si Teng. Zoomed in pa!

Sabi ko ke Teng nang pauwi na kami, talagang ganun pag nag-perform, sumasakit ang tiyan pagkatapos. Sabi ko kinakabahan siya siguro bago sila tumugtog, sabi naman niya hinde. Pero talaga namang nakakasakit ng tiyan pag mataas ang level of excitement mo tapos biglang bumaba. Yun bang tipong “butterfiles in your stomach”, pagkalipas ng pangyayaring kinaka-excitean mo, sasakit ang tiyan mo.

Totoo nga, kasi ng nakasakay na kami ng bus, nag-subside na ang sakit. Pagdating nga namin sa bahay, halos wala na.

Maaga akong matutulog ngayon. Me talk pa ako bukas sa Antipolo sa spiritual retreat ng grupong Apostleship of Prayer na kasama ko sa simbahan sa may Camp Crame. Kwentuhan ko kayo bukas uli ng tungkol naman dito…